Mga supporter ng Duterte Senatorial Slate sa Rizal nakilahok sa simultaneous nationwide campaign rally

Mga supporter ng Duterte Senatorial Slate sa Rizal nakilahok sa simultaneous nationwide campaign rally

GRABE ang buhos ng suporta ng mga taga-Rizal sa simultaneous nationwide campaign rally ng Duterte Senatorial Slate.

Sa Karangalan Village Court sa Cainta, Rizal, libu-libo ang dumalo—ang ilan ay mula sa iba’t ibang bayan sa Rizal, habang ang iba naman ay galing sa iba’t ibang organisasyon.

May mga grupo ng senior citizens, kabataan, at kababaihan na nakiisa sa pagtitipon.

Dumalo rin ang iba pang kandidato ng Duterte Slate, kabilang si Imee Badajos, na tumatakbong Vice Governor, at si Jay Narciso, na kumakandidato sa pagkakongresista.

Siyempre, dumalo rin sa event ang mga taga-suporta ni Atty. Vic Rodriguez at ng senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy, na sinasabing magiging “konsensya” ng Senado.

Ayon mismo kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, si Pastor Quiboloy ay may mataas na moralidad at matalinong lider na kayang magtaguyod ng mabuting pamamahala.

Ayon sa mga taga-suporta rito, sila ay die-hard Duterte supporters kaya’t buong puso nilang sinusuportahan ang mga kandidato ng dating Pangulo.

Giit nila, galit sila sa korapsiyon, kahirapan, ilegal na droga, at kriminalidad—at tanging ang Duterte Slate lang ang nakikita nilang makakapag-alis ng mga problemang ito sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble