MAAGA pa lamang ay nagtipon-tipon sa labas ng tanggapan ng COMELEC partikular sa Plaza Roma sa tapat ng Manila Cathedral ang mga supporters ni Mayor Sarah Duterte.
Ito’y mula pa sa bahagi ng Rizal, Pasig at Quezon City.
Kaugnay nito, nagdagdag na ng tauhan ang Manila Police District (MPD) Station-5 para masigurong masusunod ang health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.
Nais ng pamunuan ng MPD na masiguro ang seguridad sa loob at labas ng tanggapan COMELEC sa inaasahan pang pagdagsa ng mga suporters ng iba pang pulitiko na nais tumakbo sa Pagka-pangulo, pagka-bise pangulo, senador at partylist.
Sa kabila nito, patuloy na uli nananawagan ang COMELEC sa ibang maghahain ng kanilang withdrawal at substitution na huwag ng magsama pa ng mga suporters upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.