NAKATAKDANG maghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Sinabi ni PCOO Sec. Martin Andanar na posibleng bumalik sa Comelec si Pangulong Duterte ngayong Lunes upang maghain ng kandidatura sa pagka-bise presidente.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung sa aling partido kakandidato si Pangulong Duterte.
Ang mga pangyayaring ito ay kasunod ng paghahain ni Sara Duterte ng kandidatura sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD, matapos siyang i-adopt ng Partido Federal ng Pilipinas.
Nauna nang napabalita na batay sa usapan ng pamilya Duterte, isa lamang umano sa kanila ang tatakbo sa national elections sa May 2022.
Matatandaang din noong Sabado, kasunod ng pagbawi ni Senator Bato Dela Rosa ng kaniyang kandidatura sa pagkapangulo, naghain naman ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Senator Bong Go sa pagkapangulo, subalit hindi upang palitan si Dela Rosa.
Naghain si Go sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), kapalit ni Greco Belgica.
Hindi rin nabanggit kung bakit hindi tatakbo si Go sa ilalim ng partidong PDP-Laban.
Ayon kay Senator Christopher Bong Go, nagwithdraw siya ng kandidatura sa pagka-bise presidente upang iwasang makabangga si Davao City Mayor Sara Duterte na naghain ng kandidatura sa kaparehong posisyon sa ilalim ng Lakas-CMD.
Sabi ni Go, tinanggap nya ang hamon na tumakbo sa pagka-pangulo para maipagpatuloy ang mga pagbabago na sinimulan ni Pangulong Duterte.