KUMAKALAT ngayon sa social media ang isang order mula sa PNP Region 2 na nag-uutos sa mga tauhan nito na pagbabawal mag-post at magkomento na may kaugnayan sa mga nangyayari sa bansa.
Sa nasabing order, limang PNP personnel na may ranggong patrolman at police master sergeant ang pinagpapaliwanag kaugnay sa mga post nito sa kanilang mga social media accounts.
Matatandaang halos sunod-sunod na nagpalabas ng kanilang opinyon at pagkadismaya sa uniporme at kabuuang organisasyon kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Karamihan sa mga ito ang nagpahayag ng awa sa dating kanilang commander-in-chief na nagbigay ng oportunidad upang mapataas ang kanilang sahod at mga benepisyo.
Habang ang iba ay tuluyang nagbitiw sa serbisyo dahil sa hindi na makayanan ang sistema sa loob ng kanilang organisasyon.
Samantala, wala pang komento ang PNP kaugnay sa nasabing isyu.