Michelle Dee, kinoronahan bilang Miss Universe PH 2023

Michelle Dee, kinoronahan bilang Miss Universe PH 2023

KINORONAHAN bilang Miss Universe 2023 ang pambato ng Makati na si Michelle Dee.

Ito ang pangalawang beses na sumali ang actress-beauty queen sa Miss Universe Philippines.

Noong 2022 ay 1st runner up lang si Michelle at nanalo si Celeste Cortesi.

Si Michelle ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 na gaganapin sa El Salvador.

Samantala, itinanghal namang Miss Supranational PH 2023 ang fan favorite na si Pauline Amelinckx ng Bohol habang Miss Charm 2023 naman si Krishnah Gravidez ng Baguio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter