NAIS ng Microsoft na i-develop ang ai ng Thailand sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kakayahan at oportunidad na susuporta sa lumalaking developer community nito.
Inanunsyo ng Microsoft Chairman at CEO na si Satya Nadella ang plano nito na magtatag ng bagong regional data center sa Thailand sa AI Day sa Bangkok araw ng Miyerkules
“Right here in the region, we think and we expect that this intelligence revolution or the AI revolution can add as much as a trillion dollars. Even in Thailand double-digit growth of over a hundred plus billion dollars can be driven because of the productivity curve that can be bent by AI. So that’s the potential that grounds us at Microsoft on our mission to empower every person and every organization in Thailand to achieve more,” Satya Nadella Microsoft Chairman and CEO said.
Dumalo rin sa nasabing event si Thai Prime Minister Srettha Thavisin, tinataya namang nasa higit dalawang libong developer, business at technology leader ang dumalo sa event.
Ang kauna-unahang Azure Data Center sa Thailand ay nangangailangan na mag train ng higit isandaang libong Thai para mas mapakinabangan pa nga ang AI.
Ang Thailand ang ikalawang Southeast Asian country na nais tayuan ng data center ng Microsoft maliban sa Indonesia na pinangakuan nito ng higit isang bilyong dolyar na investment.
Ayon kay Nadella ang potensyal ng Southeast Asia sa AI ay posibleng magdulot ng isang trilyong dolyar na economic value sa rehiyon.
Inanunsyo ng Microsoft ang plano nitong mag-train ng higit dalawang milyong tao sa Southeast Asia ng AI skills hanggang taong 2025. Kabilang rito ang ASEAN member states na Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Pilipinas.