WALANG panghihinayang ang 58-years-old boxing legend na si Mike Tyson kahit pa natalo ito via unanimous decision sa kaniyang laban kontra sa YouTuber na si Jake Paul nitong Nobyembre 15, 2024.
Aniya, mukha pa rin siyang panalo lalo na’t nakayanan niyang mag-boxing muli sa kabila ng pagkakaroon nito ng medical issues noong Hunyo na malapit niyang ikinamatay.
Ginanap ang boxing match ng dalawa sa AT&T Stadium, Arlington, Texas at ‘streamed’ live ito sa streaming service na Netflix.
Tinatayang nakatutok sa laro ang nasa 60 milyong fans sa buong mundo maliban pa sa 72,300 na spectators o mga nanonood sa stadium.