Miley Cyrus maglalabas ng panibagong album

Miley Cyrus maglalabas ng panibagong album

INANUNSIYO ni Miley Cyrus na maglalabas siya ng panibagong album na may pamagat na ‘Something Beautiful‘.

Sa social media post ng artist, sa Mayo 30 ang scheduled release nito.

Maglalaman ito ng 13 orihinal na kanta kung saan siya mismo ang isa sa executive producers.

Ito na muli ang paglalabas ni Miley ng album dahil taong 2023 nang huli niyang i-release ang album na pinamagatang ‘Endless Summer Vacation’.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble