INAASAHANG aabot sa ‘danger level’ ang heat index ng dalawang lugar sa Luzon ngayong araw, Marso 26, 2025.
Sa 5PM bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Marso 25, tinatayang aabot ng 47 degrees Celsius ang temperaturang mararanasan sa Dagupan City, Pangasinan habang 43 degrees Celsius sa San Ildefonso, Bulacan.
Ang heat index sa pagitan ng 42 – 51 degrees Celsius ay nasa ilalim ng danger level kung saan maaaring magdulot ito ng mga problemang pangkalusugan tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. Samantala, sa Metro Manila, inaasahang nasa 39 degrees Celsius ang temperatura sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City habang sa Science Garden, Quezon City ay aabot sa 38 degrees Celsius.