Mindanaoan Lawyers: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, violation of the sovereign will

Mindanaoan Lawyers: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, violation of the sovereign will

SA panayam sa SMNI News, ipinaliwanag ng dalawang abogado mula Mindanao kung bakit kabilang sila sa mga humihiling ng pagbabasura sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema.

Ayon sa law professor na si Atty. James Reserva, 32 milyong boto ang pinawawalang saysay ng mga gustong ipa-impeach ang bise presidente.

“Especially kay VP Sara na who was elected by unprecedented mandate by the people, from the people. Imagine, more than 32 million votes and then i-disenfranchise mo lang itong mga tao na ito? This is a violation of the sovereign will,” ayon kay Atty. James Reserva.

Kinuwestyon din ng mga petitioner ang bigat ng grounds for impeachment na isinampa ng Kamara laban sa bise.

Ayon sa kanila, dapat seryoso at may matibay na batayan ang grounds na inihahain laban sa isang impeachable official.

Kabilang sa grounds ng impeachment ang umano’y sabwatan para ipapatay ang mag-asawang Marcos Jr. at Speaker Romualdez, malversation ng P612.5 milyon na confidential funds, akusasyon ng bribery at corruption sa DepEd, extrajudicial killings, betrayal of public trust, at large-scale corruption.

“Sa tingin naming groundless yan pero ginawa nila itong proseso na ito using this impeachment process para lamang ma-achieve nila ang agenda nila. And that is parang betrayal sa 32, more than 32 million Filipinos na bumoto kay VP Sara,” saad ni Atty. Reserva.

Idiniin din ng mga petitioner na minadali ang pagkalap ng lagda ng mga kongresista upang maipasa agad sa Senado ang impeachment proceedings.

215 na kongresista ang bumoto pabor sa impeachment ni VP Sara, doble sa mahigit isang daang pirma na kinakailangan para maipasa ito sa Senado.

Kabilang sa kanilang kinuwestyon ang kawalan ng affidavits mula sa bawat 215 kongresista na pumirma pabor sa impeachment.

Ayon sa kanila, kailangang may affidavit bilang patunay na nabasa at naunawaan ng mga kongresista ang reklamo, at ito’y nakabatay sa kanilang personal knowledge o authentic records.

“Here, there are NO AFFIDAVITS or separate pages containing the verification of the 215 members of the House of Representatives.”

Dahil minadali raw ang pagkalap ng pirma, kinuwestyon ng mga petitioner kung tunay ngang sinasalamin ng ‘yes’ votes ng 215 kongresista ang kagustuhan ng kanilang constituents lalo pa’t saklaw ng mga ito ang ‘social contract’ principle ng Saligang Batas.

Mindanaoan Lawyers sa mga Congressman: Dapat kinonsulta ang constituents bago bumoto sa impeachment case ni VP Sara

‘’So parang pulso ng Taumbayan. Just like our congressman did in our district. Nag-konsulta siya si Congressman Dale Corvera, now yung nakita niya na overwhelming talaga sa kaniyang constituents ay against the planned impeachment, yan ang naging basehan niya on why he did not sign the impeachment complaint,’’ ani Atty. James Reserva.

‘’So how can these Congressmen had the opportunity to consult their constituents where they never had the opportunity or the time considering na ang bilis nga diba? It all happened in one sitting,’’ ayon nito.

Nilinaw naman ng petitioners na hindi sila inutusan ng mga Duterte para makiisa sa petisyon.

Ayon sa kanila, ito ay isang tawag ng konsensya dahil bilang miyembro ng bar, dapat lamang sundin ang nakasaad sa batas.

‘’Conscience call sa akin to be a part of this struggle na dapat i-uphold ang constitution,’’ wika ni Reserva.

“There’s really a serious breach in the constitutional principles more specifically sa procedure ng impeachment,” sabi nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble