Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip, nahaharap ngayon sa pagkakautang

Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip, nahaharap ngayon sa pagkakautang

NAHAHARAP ngayon sa matinding pagkakautang ang Thai billionaire at Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip dahil sa pagbagsak ng shares ng kaniyang kompanyang JKN Global Group.

Nasa 3.36 bilyong baht ang debentures o pagkakautang ngayon ng Miss U owner na dapat nitong bayaran ng pitong tranche.

Pero nitong Huwebes ay nagpahayag si Anne na hindi pa nito mababayaran ang unang trance na nagkakahalaga ng 609 million baht o katumbas ng mahigit P900-M.

Nakatakda namang makipag-usap si Anne sa debenture holders sa Setyembre 29 para payagan ang repayment delay.

Ngayong Biyernes, Setyembre 1, ay sinabing binayaran ni Anne ang unang tranche ng nagkakahalaga ng 156.6 million baht.

Ang anim pang tranches na kailangang bayaran ng Miss Universe owner na may maturity dates sa 2024 at 2025, ito ay 300 million, 578 million, 400 million, 800 million, 525 million at 156.6 million baht.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter