INANUNSIYO ng Thai businesswoman at may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip ang nakatakda nitong pagbisita sa Pilipinas.
Sa kaniyang social media post, nakasulat ang “The next universe destination is ‘Hellooooo Manila!’ hashtag Philippines love you and see you soon!”
Nagpahayag naman ng kasabikan at mainit na pagtanggap ang mga Filipino pageant fans sa comment section ng naturang post ni Anne.
Samantala, hindi naman idinetalye kung kailan bibisita sa Pinas ang chief executive officer ng Miss Universe Organization.
Si Anne Jakrajutatip ang unang transgender woman na nagmamay-ari ng Miss Universe Organization.