Thai businesswoman, binili ang Miss Universe Pageant sa halagang $20-M

Thai businesswoman, binili ang Miss Universe Pageant sa halagang $20-M

ISANG Thai celebrity media tycoon at transgender rights advocate ang bumili sa Miss Universe Organization sa halagang $20-M.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang beauty pageant organizer ay magiging pag-aari ng isang babae.

Si Jakapong “Anne” Jakrajutatip, CEO at pinakamalaking shareholder ng JKN Global Group PCL (JKN) ay isang celebrity sa Thailand na naging bida sa lokal na bersyon ng reality shows at project runway at shark tank.

Ayon kay Jakapong, ang pagbili niya sa Miss Universe Pageant ay sumasalamin sa pagiging matibay at pagiging strategic ng portfolio ng kumpanya nito.

Ang JKN ang nagpo-produce ng sarili nitong mga palabas at namamahagi ng content ng Thailand mula sa ibang bansa kabilang na ang mga documentary at Bollywood drama.

Ang taunang beauty contest na ito na pinapatakbo ng Miss Universe Organization ay co-owned ni dating US Pres. Donald Trump taong 1996 hanggang 2002 at ito ay nabo-broadcast sa 165 bansa at tumagal na ng 71 taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter