Miss Universe owner, nag-file ng bankruptcy sa Thailand

Miss Universe owner, nag-file ng bankruptcy sa Thailand

ANG Thai media company na nagmamay-ari ng Miss Universe pageant brand ay naghayag na nag-file ito para sa bankruptcy habang nireresolba ang liquidity problem nito.

Inanunsiyo ng JKN Global Group ang bagay na ito kasabay ng pakikipag-ugnayan sa Thai stock exchange dalawang buwan matapos na hindi ito makabayad sa deadline ng bonds na nagkakahalaga ng $12-M.

Ang kompanya na pagmamay-ari ng media mogul at transgender rights campaigner na si Anne Jakapon Jakrajutatip ay binili ang pageant na dating pagmamay-ari ni former US President Donald Trump sa halagang $20-M.

Ayon sa JKN, nagkasundo ang board of directors nito na magsumite ng business rehabilitation plan sa bankruptcy court ng Thailand.

“Submitting the rehabilitation petition will effectively solve the company’s liquidity problem under legal mechanism and provide fair protection to all stakeholders,” ayon sa JKN Global Group.

Samantala, magpapatuloy naman ang operasyon ng kompanya sa kabila nito.

Ang share price ng JKN ay bumagsak sa 80% sa nakalipas na 12 buwan sa halagang 0.77 baht o $0.022.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble