Miss World pageant isasagawa muli sa India ngayong taon

Miss World pageant isasagawa muli sa India ngayong taon

ISASAGAWA muli sa India ngayong taon ang Miss World pageant.

Batay sa anunsyo ng organisasyon, sa Telangana State ito gaganapin ngayong Mayo.

Inaasahan na magsidatingan ang mga kalahok mula sa 120 bansa at teritoryo simula Mayo 4.

Sa Mayo 31 naman ang coronation night.

Noong Pebrero 2024 ay sa Mumbai ang venue at ang representative ng Czech Republic ang nanalo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble