MMDA rescue vehicles, handa para sa mga pasaherong maapektuhan ng transport strike

MMDA rescue vehicles, handa para sa mga pasaherong maapektuhan ng transport strike

NAKAHANDA ang rescue vehicles ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tulungan ang mga pasaherong maapektuhan ng transport strike ngayong araw, Lunes Setyembre 23, 2024.

Ayon sa MMDA, handa silang mag-deploy ng mga sasakyan kung kinakailangan.

Dagdag pa ng ahensiya na mayroong inter-agency monitoring team na pangungunahan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang magmo-monitor sa mga kaganapan sa tigil-pasada.

Ang dalawang araw na nationwide strike ay muling isasagawa ng PISTON at Manibela sa kanilang patuloy na pagkontra sa PUV Modernization Program.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble