MOBEX 2023, pormal nang nagtapos

MOBEX 2023, pormal nang nagtapos

PORMAL nang nagtapos ang isinagawa ng Naval Forces Northern Luzon Mobilization Exercise (MOBEX) 2023 mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 2.

Pinangunahan ni AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca ang closing ceremony ng MOBEX sa Naval Station Ernesto Ogbinar sa San Fernando, La Union.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni Buca ang Philippine Navy Reserve Force na ipinamalas ang kanilang kakayahan upang matiyak ang seguridad ng bansa.

Kasabay rito, pinuri ni Buca ang inilatag na mobilization plan upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa anumang hindi inaasahang pangyayari.

Nabatid na isinagawa sa mobilization exercise ang ‘at-sea event’ sa Sual, Pangasinan; ‘ground events’ sa Santa Ana, Cagayan, at Ilocos Norte.

Habang nagkaroon din ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) activity ang Naval Task Force 11 Sagip.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter