MAGKAKAROON ng adjustment ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) simula ngayong araw, Disyembre 15 hanggang Enero 3, 2024.
Para sa Disyembre 15, 18-22, 26-29, 2023 at Enero 2-3, 2024, ang first trip sa North Avenue ay 4:30 ng umaga habang sa Taft Avenue ay 5:05 ng umaga.
Ang last trip sa mga petsang ito sa North Avenue ay 9:30 ng gabi habang sa Taft Avenue ay 10:09 ng gabi.
Sa Disyembre 16, 23 at 30, 2023, ang first trip sa North Avenue ay 4:37 ng umaga habang 5:18 ng umaga ang sa Taft Avenue.
Ang last trip sa mga petsang ito sa North Avenue ay 9:30 ng gabi at sa Taft Avenue ay 10:08 ng gabi.
Sa Disyembre 17, ang first trip sa North Avenue ay 4:38 ng umaga; sa Taft Avenue ay 5:19 ng umaga.
Ang last trip sa North Avenue ay 9:30 ng gabi habang sa Taft Avenue ay 10:09 ng gabi.
Sa Disyembre 25, 2023 at Enero 1, 2024, ang first trip sa North Avenue at Taft Avenue ay pawang 6:30 ng umaga.
Habang ang last trip sa North Avenue ay 9:30 ng gabi at 10:09 ng gabi sa Taft Avenue.
Samantala, sa Disyembre 24 at 31, 2023, 4:38 ng umaga ang first trip sa North Avenue at 5:19 ng umaga sa Taft Avenue.
Ang last trip sa North Avenue ay 7:45 ng gabi habang sa Taft Avenue ay 8:23 ng gabi.