HINIKAYAT ng kapulisan sa Caraga, ang mga botante na bomoto at huwag matakot kasabay sa isinagawang multi-agency sendoff security forces para sa nalalapit ng Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Sa ginawang Nationwide Simultaneous Multi-Agency Send Off Security Forces para sa BSKE ay upang masiguro na ligtas ang mga mamamayan na makaboto sa napili nilang kandidato.
Sa panayam ng media kay Atty. Francisco Pobe, Regional Election Director, COMELEC Caraga sinabi nito na ang nasabing Multi Agency Send Off Security Forces ay upang masiguro na ligtas ang bawat mamamayan ng Caraga lalo na at paparating na ang BSKE sa Oktubre 30 ng taong kasalukuyan.
Dagdag pa nito na ang nasabing sendoff security forces ay ginagawa na ng COMELEC katuwang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno tuwing mayroong election mapa Barangay at Sangguniang Kabataan Election man o National Election.
‘‘It’s even more than what you have seen here is but just representation only other than this one there are reserve forces there are mobile forces there are quick response team all over Caraga regions base on the deployment and security plan of all the law enforces in Caraga,’’ ayon kay Atty. Francisco Pobe, Regional Election Director, COMELEC-13.
Sa panig naman ng PNP na pinangungunahan ni PBGen. Kirby John Kraft, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 13 sinabi nito na sinisiguro nila na mapanatili ang maayos na takbo ng peace and order sa rehiyon ng Caraga lalo na ang paparating na BSKE.
Kaya mensahe nito sa publiko na iboto ang nararapat na kandidato sa darating na halalan.
‘‘Mensahe po natin, siyempre po sa ating sambayanang Pilipino na lumabas po tayo, bumoto po tayo, huwag po tayong matakot at siyempre iboto po natin kung sino ‘yung alam nating nararapat na umupo po upang pamunuan po tayo. So, ito lang po ‘yung tsansa natin na mapahayag natin ang karapatang pumili maging pinuno.”
“So, huwag po natin itong aksayahin. Ang atin pong Philippine National Police (PNP) kasama po ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nandiyan po upang i-secure sila upang siguraduhin po na peaceful po ‘yung mga voting centers po natin ngayong darating na halalan,’’ ayon kay PBGen. Kirby John Kraft, Regional Director.
Sa ngayon, nanatili ang maayos na takbo ng peace and order ng Caraga at wala ring naiulat na anumang untowards incident na mayroong kaugnayan sa eleksiyon.