Multi-religious thanksgiving ceremony, pinasinayaan ng JMCFI College of Law

Multi-religious thanksgiving ceremony, pinasinayaan ng JMCFI College of Law

ISANG mataimtim na panalangin ang handog ng mga mag-aaral at guro ng Jose Maria College Foundation, Inc. (JMCFI) College of Law sa Amang Makapangyarihan sa Multi-religious thanksgiving ceremony na isinagawa kamakailan bilang pasasalamat sa dakilang Ama sa mga biyaya at katagumpayang ibinuhos nito sa JMCFI College of Law.

Bukod rito ay isang dasal din ang kanilang inialay para sa butihing founding president ng institusyon na si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy sa gitna ng mga pinagdadaanan nito at maging sa kandidatura nito bilang senador.

Kabilang sa mga naging katagumpayan ng JMCFI College of Law ay ang mga panalo nito sa Inter-Law Sports Tournament, at sa Med-Lawlympics Tournament sa pagitan ng JMCFI College of Medicine at College of Law.

Kinilala rin ang mga partisipante sa nasabing seremonya.

Kinilala rin sa nasabing seremonya ang mga bagong abogado ng institusyon na pumasa sa 2024 Bar Exam.

At ang pinakabagong katagumpayan na nakamit ng College of Law Debate and Moot Society—kung saan pasok ang mga ito sa finals round ng price media law moot court competition, na gaganapin sa Oxford, England ngayong Hulyo.

“It’s actually a thanksgiving prayer for all the victories that we received and we thank the Lord Almighty, Allah for the victories that we have received first in our victory in Price Media Moot Court Competition where JMC Law is one of the seven colleges and universities that qualified to go to London to, Oxford University in London, England to represent our country and Asia pacific in the national finals, not only national, international finals.”

“Second it is to express our gratitude and thanks also to the Lord Almighty for granting us victory between law and medicine natalo naming ‘yung medicine.”

“Third—prayer din ito, para kanino? Prayer din ito para sa school at para kay Pastor Apollo C. Quiboloy na sana maka piyansa na siya, na ma grant ‘yung bail niya, ‘yung hearings namin ng sa February 6 maging successful, ma convince ‘yung judge na grantan sya ng bail and lastly, ‘yung kanyang pagtakbo as senator na si number 53 ay manalo, and ‘yun po ang purposes na bakit we had to organize this event today,” pahayag ni Atty. Israelito P. Torreon, Dean, JMCFI College of Law.

Pastor Apollo C. Quiboloy, inspirasyon ng JMCFI College of Law sa pagkamit ng mga katagumpayan nito

Isa rin sa pinaghuhugutan ng lakas at inspirasyon ng College of Law ang founding president nito na si Pastor Apollo Quiboloy—na sa kabila ng hamong kinakaharap nito, ay patuloy ang pagiging matatag ng Butihing Pastor.

Kaya naman malaki rin ang pasasalamat ng JMC College of Law Community kay Pastor Apollo.

“First and foremost we are very inspired by Pastor’s perseverance and persistence in despite the challenges surrounding him, surrounding the legal challenges sa kanya, and we are very thankful that despite that, he still provides a very powerful beacon of light for us here in JMC, and we are very thankful for him because continued pa rin ang kanyang support, kahit po marami po tayong hinaharap with him, and because of his continued inspiration to us, we were able to achieve this much great achievement really, world class level, this is a very, very big opportunity, very, very big recognition ng JMC not only for the College of Law, but for Jose Maria College to be placed in the international spotlight,” saad ni Atty. Matt Reginald Santiago, Professor, JMCFI College of Law.

“Salamat sa JMC, salamat po Pastor sa lahat po ng iyong suporta and don’t worry, matatag po kami,” dagdag ni Atty. Torreon.

Inaasahan naman ng JMCFI College of Law ang mas marami pang oportunidad para sa mga mag-aaral nito upang mas mahasa ang kanilang galing at talento, hindi lamang sa sports, kundi maging sa debate at mooting competitions at mas marami pang pagkakataong makapaghatid ng karangalan at katagumpayan sa institusyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter