MATAGUMPAY man na nakatakas sa Iwahig Prison and Penal Farm ang isang bilanggo ay naaresto naman ito makalipas ang 25 taong pagtatago.
Ang puganteng si Pedrino G. Núñez ay naaresto sa kaniyang tinitirhan sa Sitio Pandaitan, Brgy. Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro.
Si Núñez ay unang pinatawan ng hatol na makulong ng habambuhay sa Iwahig Central Sub-colony matapos nahatulang guilty sa kasong murder.
Nabatid na nakulong ito sa Iwahig noong October 23, 1997 pero nakatakas noong Abril 14, 1999.