NAGSAGAWA ng serye ng greyhound operation ang PDEA Pampanga Provincial Office sa iba’t ibang jail facility sa lalawigan ng Pampanga, kahapon Pebrero 14, 2024.
Ito ay ayon sa PDEA Region 3, report kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo.
Kasabay rin na isinagawa ang random drug test sa mga preso ng kani-kanilang mga jail facility o mga kubol.
Walang narekober na ilegal na droga, paraphernalia, at kontrabando sa nasabing operasyon.
Gayundin ang pagsusuri sa gamot sa ihi ay negatibo ang resulta.