PAG-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang mahigpit na pagpapatupad ng Departure Formalities ng Bureau of Immigration makaraan ang reklamo ng ilang mga pasahero na tila pang-aabuso umano sa kanila.
Ipinaliwanag ng DOJ na ang Departure Formalities ang armas ng gobyerno laban sa human trafficking, katunayan ay binigyang pagkilala ang Pilipinas ng Tier 1 Ranking sa United States Trafficking in Persons Report sa pitong magkakasunod na taon at modelo umano sa mundo sa paglaban sa human trafficking.
Gayunman ay aminado ang DOJ sa pahirap na dinaranas ng mga Pilipinong pasahero dahil sa mahigpit na implementasyon nito, lalo na ang ilan na hindi nakakasakay sa eroplano at napipilitan na mag-rebook ng sarili nilang gastos.
Naging kontrobersiyal ang isyu dahil naging abusado umano ang ilang Immigration officers sa isang Pilipina na nagreklamo ng matagal na pag-hold sa kaniya ng Immigration officer na nanghingi o naghanap pa ng graduation yearbook.