INIHAYAG ng National Aeronautics Space Agency (NASA) na handa itong tulungan ang Thailand na mag-manage sa space program nito.
Makikipagtulungan ang NASA sa Thailand para sa pag-develop ng space program nito at upang makapag-ambag ito na maibsan ang problema sa climate change at iba pang natural na kalamidad.
Nakipagkita ang House Panel on Communications, Telecommunications at Digital Economic Panel sa NASA officials ngayong linggo.
Ilan sa mga napag-usapan ay ang SERVIR-Southeast Asia Program, ang kolaborasyon sa pagitan ng US Agency for International Development at NASA na tulungan ang mga Asyanong bansa na resolbahin ang isyu sa climate change.
Hiniling ng Thailand sa NASA na magkaroon pa ng mas maraming kolaborasyon gaya ng pagtatayo ng space technology laboratory sa probinsya ng Chiang Rai, pagtatayo ng spaceport, climate operations at natural disaster alerts.
Inihayag din ng space sector ng Thailand na nangangailangan ito ng tulong mula sa gobyerno at pribadong sektor.