National Land Use Act, ipapasa sa Kamara bago matapos ang taon – Speaker Romualdez

National Land Use Act, ipapasa sa Kamara bago matapos ang taon – Speaker Romualdez

TUTUGON ang Kamara sa panawagan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magpasa ng panukala para sa National Land Use.

Sa harap ng real state sector nitong nakaraang linggo ay nangako si House Speaker Martin Romualdez na ipa-prayoridad nila sa Kamara ang pagpasa sa National Land Use Act.

Ayon sa lider ng Kamara, kinakailangan na itong tugunan ng pamahalaan dahil sa dami ng proseso dito.

“Our policy experts noted that there are around 30 overlapping environmental and ecological protection laws and policies on use of water and land management,” pahayag ni Romualdez.

Pangako ni Speaker Romualdez na bago matapos ang taon ay pasado na sa kanila ang panukala para mapag-isa at maayos ang lahat ng guidelines kaugnay sa pagbili ng lupa pati na ang development nito.

“We at the House of Representatives are committed to approve the land use act as soon as possible. We expect to approve the measure on the third and final reading before the year is over,” ani Romualdez.

At dahil nabanggit ito sa nagdaang SONA ni Pangulong BBM, giit ni Romualdez na nakita nila ang urgency para ito’y maaksyunan.

At para matiyak na walang maiiwasan sa diskusyon, ay magsasagawa ang Kongreso ng mga pagdinig para sa Land Use Act.

“We shall be conducting hearings and then we please floor upon your participation and your insights. We will not pass any law without hearing you first,” saad ni Romualdez.

Malaki ang epekto kung magkakaroon ng batas sa bansa para sa Land Use.

Gamit nito, mapipigilan ang conversion ng mga agricultural land bilang industrial at commercial maging sa residential real estate development.

Dahil dito, magiging madali na sa Presidente na makamtan ang food security.

Makatutulong din ito sa paglaban sa climate change dahil mapipigilan ng batas ang mga kagubatan na ma-convert bilang mga minahan.

Noong 2017, naunang nanawagan si dating Pangulong Duterte sa Kongreso na ipasa ang National Land Use Act.

Sa Senado, nangako ng suporta si Senator Sherwin Gatchalian sa pagsasabatas nito.

Follow SMNI News on Twitter