Abot-kayang pabahay para sa OFWs, titiyakin ng OFW Partylist

Abot-kayang pabahay para sa OFWs, titiyakin ng OFW Partylist

KINUMPIRMA ni Congresswoman Marissa Del Mar ng OFW Partylist na tutulungan nito ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na makapagtaguyod ng sariling bahay sa murang halaga.

Nakikiisa ang OFW partylist sa hangarin ni President Ferdinand Bongbong Marcos na magkaroon ng sariling village at real community ang mga OFW sa panahong ng kanyang termino.

Inihayag ni Del Mar na sa pakikipagtulugan nito sa LGU at sa pamamagitan ng magandang loan agreement para makapag-avail sa Pag-ibig Fund ang mga OFW para magkaroon ng murang pabahay ang mga ito.

“Mayroon po kasi tayong pakikipagtulungan hopefully sa ating LGUs kung meron silang mabibili o maibibigay na murang lote we can ask our developers from NREA…we are the big four in the housing industry. Pipilitin natin na magkaroon ng magandang loan agreement para makapag-avail sa Pag-ibig Funds ganun din po sa community mortgage program at ito ay advocacy at primordial na gusto na maganap agad-agad ng ating Presidente Bongbong Marcos,” pahayag ni Del Mar.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasabay ng midyear membership assembly ng National Real Estate Association, Inc. o NREA kung saan kabilang sa kanilang naging honorary member si House Speaker Martin Romualdez, Sen.Sherwin Gatchalian, Sen. Robin Padilla, Sen. JV Ejercito at dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ang NREA ay isang one-stop trade organization, na binubuo ng mga real estate developer, builder, supplier, real estate practitioner mga propesyonal at lahat ng kaalyadong serbisyo.

Ang NREA ay isa sa apat na pinakamalaking organisasyon ng real estate sa Pilipinas.

Kung saan  nagsasagawa rin ito ng mga national convention, housing trade exhibit, webinar at iba pa katuwang ang mga sektor ng gobyerno tulad ng DHSUD, Pag-IBIG Fund, NHMFC, NHA gayundin sa iba pang pribadong sektor tulad ng United Architects of the Philippines.

Samantala, naniniwala naman si Del Mar na sa pamamagitan nito mabibigyan at matutulungan ang mga OFW na matupad ang kanilang mga pangarap ng magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Si Del Mar ay isang chair-emerita, chairlady, at board of Advisers ng NREA.

“We will do the best that we can para naman po magkaroon ng totoong bahay ang mga kababayan natin lalo na ang OFWs. Ang kanilang layunin lamang is to have a decent house that they can call their own. Magkaroon sila ng titulo sa kanilang bahay. With the partnertship, with the alliance that we have sa ating National Real Estate Association during our general membership meeting and our honor dinner I am sure that we can do it together,” ani Del Mar.

Follow SMNI News on Twitter