MATAPOS ang ika-39 nitong kaarawan, inanunsiyo ng NBA star na si Carmelo Anthony na magreretiro na ito sa paglalaro.
Sa kaniyang social media post, sinabi ni Carmelo na panahon na upang magpaalam ito sa court, kasabay ang pagpapasalamat sa mga taong nagsuporta sa kaniyang basketball career.
Sa buong NBA career ni Carmelo, nakapaglaro na ito sa ilalim ng Denver Nuggets, New York Knicks, Oklahoma City Thunder, Houston Rockets, Portland Trail Blazers at Los Angeles Lakers.
Tinagurian din itong 10-time All-Star na may 28,289 career points, at huli itong naglaro taong 2021-2022 sa ilalim ng Los Angeles Lakers.