MAGSISIMULA na ngayong araw, February 1 sa Emilio Aguinaldo College Gym sa San Marcelino, Manila ang pagbabalik ng juniors basketball tournament ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Sa opening game day, makakalaban ng defending champion na San Beda University ang Lyceum of the Philippines University.
Maglalaban din ang De La Salle College of Saint Benilde at Mapua University maging ang Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos.
Ang Arellano University ay maglalaro kontra University of Perpetual Help System Dalta.
Jose Rizal University naman ang magiging kalaban ng host school na Emilio Aguinaldo College. NCAA
Ang huling juniors basketball game ay naganap noong November 19, 2019 bago ang pandemya.