ISANG summer comeback ang handog ng K-pop group na NCT 127 ngayong Hulyo.
Sa anunsiyo, ito ang kanilang magiging 6th full album.
Ito na rin ang kauna-unahang promotions ng grupo na hindi kasama ang kanilang leader na si Taeyong kasunod ng pasisimula ng kaniyang mandatory military enlistment noong Abril.
Nitong Mayo 22, 2024 ay ini-release ng grupo ang kanilang Japanese single na may pamagat na “Colors”.