Nepal PM, nagdeklara ng National Day of Mourning

Nepal PM, nagdeklara ng National Day of Mourning

IDINEKLARA ni Nepal Prime Minister Pushpa Kamal Dahal ngayong araw Enero 16, bilang National Day of Mourning matapos ang naganap na pagbagsak ng eroplano na ikinasawi ng mahigit 70 indibidwal.

Sa nasabing bilang, 53 dito ay mga Nepalese, 5 Indians, 4 na Russians, 2 Koreans, at tig-iisa mula sa Ireland, Australia, Argentina at France.

Matatandaan na ang nasabing eroplano ng Yeti Airline ay patungo sana sa tourist town na Pokhara nang ito ay bumagsak sa paliparan at sumabog.

Sa ngayon ay nasa mahigit 300 na mga sundalo ang nagsagawa ng search and retrieval operations sa lugar na pinagbagsakan ng ilang kilometro mula sa paliparan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter