INABISUHAN ng Netflix Philippines ang kanilang subscribers tungkol sa pagtaas ng presyo sa lahat ng subscription plans simula Hunyo 1, 2025.
Hakbang ito ng streaming service bilang pagsunod sa 12 percent value-added tax na ipinatutupad ng gobyerno sa foreign digital service providers sa ilalim ng Republic Act No. 112023.
Matatandaang saklaw ng batas ang lahat na foreign online services gaya ng streaming platforms, e-marketplaces, at cloud services kahit wala itong physical presence sa Pilipinas.
Dahil dito, sa abiso, ang monthly rates para sa:
-Mobile subscription plan ay magiging P169 na mula P149
-Ang Basic ay magiging P279 na mula P249
-Ang Standard ay magiging P449 na mula P399
-Habang ang Premium ay magiging P619 na mula P549