NIREREKOMENDA ng National Immunization Technical Advisory Group na gamitin ng bansa ang Sinovac COVID-19 vaccine para sa mga health worker.
Ito ay ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Dagdag pa ni Vergeire, ang pagpayag ng Food and Drug Administration (FDA) na makakuha ng Emergency Use Authorization ang Sinovac ay patunay na ligtas ang nasabing bakuna.
Ani Vergeire, mainam din itong gamitin para sa mga health worker base sa mga eksperto ng NITAG at Technical Advisory Group.
Matatandaang, hindi nirerekomenda ng Food and Drug Administration ang Sinovac sa mga health worker dahil sa 50.4% efficacy rate nito base sa isinagawang clinical trial sa mga health worker sa Brazil.
Kalaunan, inihayag ng FDA na maaari pa rin itong gamitin ng mga health worker kung nais nila.