NLEX, SLEX at TRB officials, ipatatawag sa Kamara

NLEX, SLEX at TRB officials, ipatatawag sa Kamara

IPATATAWAG ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga opisyal ng North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX) at Toll Regulatory Board (TRB).

Ito ang sinabi ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo kapag hindi maayos ng NLEX ang problema sa collection system ng Radio Frequency Identification (RFID).

Matatandaan na noong Marso 27, 2024 sa kasagsagan ng Semana Santa ay nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa NLEX dahil maraming RFID ang hindi nababasa sa mga toll gate.

Bukod sa NLEX, ipatatawag din ang mga opisyal ng SLEX at TRB para resolbahin ang problema.

Dagdag pa ni Tulfo, sakaling bigo pa ring maresolba ang isyu ay posibleng sisilipin ng Kamara ang prangkisa ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble