No Cellphone Policy ng PNP, epektibo sa Metro Manila—PNP

No Cellphone Policy ng PNP, epektibo sa Metro Manila—PNP

ISANG linggo matapos maupo si PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, isa sa mga direktiba nito ang pinaigting na police visibility.

Magagawa lamang aniya ito kung nakapokus ang mga pulis sa kanilang trabaho para maiwasang masalisihan ng mga masasamang loob sa komunidad o sa lansangan man.

Ang pagbabawal sa paggamit ng personal phone o cellphone ng mga naka-duty’ng pulis ay mahigpit na ipinatutupad ngayon sa buong organisasyon.

Bunga nito ay ang malinis na rekord ng kanilang opisina laban sa mga kriminal o kahina-hinalang kilos ng isang grupo o indibidwal.

Bukod kasi sa opisina, nakaalerto rin ang kanilang mga tauhan sa labas para sa mas pinalakas na police presence nito.

Cybercrime incidents sa bansa, tumaas ng 21%

Sa kabilang banda, sumirit naman pataas ang kaso ng cybercrime sa bansa.

Ayon sa PNP-Anti Cybercrime Group, tumaas ng 21.84% ang cybercrime incidents sa unang kwarter ng taong 2024.

Batay sa datos ng PNP, umabot na sa 4,469 ang cybercrime cases na naitala mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Nung nakaraang taon kasi, nasa 3,668 ang mga kaso sa parehong panahon. Base sa mga datos, tumaas ng halos 22 porsiyento ang cybercrime cases ngayong taon kumpara noong 2023.

Ayon kay ACG Chief, Major General Sidney Hernia, malaking potensiyal ng scam ang pagkahilig ng mga Pinoy sa online transactions na siyang ginagamit na oportunidad ng mga scammer para makapanloko.

Kasabay rito ay hinimok niya ang publiko na mag-ingat sa mga pinapasok na transaksiyon at alamin ang mga lehitimong online apps para iwas budol.

“As cybercriminals continuously refine their tactics, there is a pressing need for individuals to educate themselves about cybercrimes. Stay informed by actively reading, listening to, and watching news coverage on cybercrimes. Familiarizing yourself with the red flags in online transactions is important for safeguarding against potential scams and frauds,” saad ni MGen. Sidney Hernia, Chief, PNP-ACG.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble