North at South Korea, nagpalitan ng warning shots

North at South Korea, nagpalitan ng warning shots

NAGPALITAN ng warning shots ang North at South Korea sa Western Sea boundary nito.

Nag-broadcast ng babala ang South Korea at nagpakawala ng warning shots para paalalahanan ang isang North Korea merchant ship na lumabag sa sea boundary nito bandang alas 3:42 ng madaling araw kahapon.

Inihayag naman ng North Korea na rumesponde ang coastal defense units nito sa pamamagitan ng pagpapakawala rin ng 10 round ng artillery warning shots patungo sa territorial waters nito kung saan naramdaman ang Naval Enemy Movement.

Inakusahan nito ang isang South Korea Naval Ship na pumapasok sa teritoryo nito sa pamamagitan ng pagtataboy sa hindi nito nakikilalang barko.

Matatandaan na patuloy na nagsasagawa ang Pyongyang ng test fire ng mga missiles nito kung saan inihayag nito na ito ay pag-responde lamang ng bansa sa South Korean-US military drills na isa umanong invasion rehearsal.

Sa susunod na linggo ay magsasagwa naman ng joint air force drills ang South Korea at Estados Unidos kabilang ang dalawandaan at apatnapung warplanes at F-35 fighters na inooperate ng dalawang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter