North Korea, naglunsad ng mas maraming missile kasabay ng redeployment ng US aircraft carrier

North Korea, naglunsad ng mas maraming missile kasabay ng redeployment ng US aircraft carrier

NAGLUNSAD ng mas maraming missile ang North Korea kasabay ng redeployment ng US aircraft carrier.

Ayon sa huling missile launch, determinado ang North Korean leader na si Kim Jong Un na patuloy na gumamit ng weapon test na naglalayong palakasin ang nuclear arsenal nito sa kabila ng international sanctions.

Ayon sa mga eksperto, goal ni Kim Jong Un na kilalanin ito ng Estados Unidos bilang isang nuclear state at upang tanggalin din ang mga sanction nito.

Ang huling missile ay inilunsad na may pagitan na 22 minuto mula sa Capital region ng Norte at naglanding sa pagitan ng Korean peninsula at Japan

Ang flight details ng nasabing mga missile ay kapareho ng assessment ng Japan na inanunsyo naman ni Defense Minister Yasukazu Hamada.

Follow SMNI NEWS in Twitter