Notorious leader ng criminal gang sa Southern Luzon, napaslang ng PNP

Notorious leader ng criminal gang sa Southern Luzon, napaslang ng PNP

SA pinagsanib-puwersa ng Southern Luzon Police at National Capital Region Police Office (NCRPO), napaslang ng Philippine National Police (PNP) ang tinaguriang ‘notorious’ na lider ng Concepcion Criminal Gang ng Southern Luzon na kinilalang si Gilbert Concepcion.

Ang nasabing grupo ay sangkot sa iba’t ibang notorious criminal activity gaya ng murder, at extortion sa malaking bahagi ng Southern Luzon.

Kasama na rito ang pamamaslang sa isang brgy. kapitan sa Libon, Albay noong kasagsagan ng Barangay at SK Elections na naging dahilan para isailalim sa red category ng Commission on Elections (COMELEC) ang nasabing lugar.

Batay sa inisyal na impormasyon, hindi bababa sa 200 ang napaslang ng Gilbert Concepcion Group.

Nabatid na isang dating regular na miyembro ng CPP-NPA si Gilbert sa Southern Luzon at nang maisipan nitong magbalik-loob sa pamahalaan ay saka ito nirecruit bilang informant ng Philippine Army ngunit kalauna’y nag-AWOL ito.

Sinasabing ang mga nakuhang kaalaman at mga pagsasanay ni Gilbert sa militar ay siya ngayong ginagamit sa kanilang mga ilegal na aktibidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter