NTF-ELCAC, kailangan ng bansa ayon kay  Sen. Go

NTF-ELCAC, kailangan ng bansa ayon kay Sen. Go

KAILANGAN ng bansa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung ninanais ng bansa na magkaroon ng kapayapaan.

Ito ay ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go kaya mas mainam na suportahan at huwag tapyasan ang pondo para sa 2022.

Ayon kay Go, sa pamamagitan ng NTF-ELCAC, aabot na sa isang daan at animnapu ang natapos na nitong housing projects para sa indigenous peoples sa Davao del Norte at Cagayan de Oro.

Habang isang daan at apatnaput isa ang patuloy pang ginagawa.

Tumutulong din ito sa pagpapatayo ng 9, 691 na mga paaralan sa malalayong lugar.

Ang pagkakaroon ng 8, 244 na barangay health stations at pagpapa-ilaw ng apatnapung sitio ay naisagawa rin sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.

710 na barangay ang nabigyan ng skills training; 1, 576 ang nabigyan ng interventions ng Department of Education (DepEd).

Aabot din sa 253 ang nabiyayaan ng Cerificate of Ancestral Domain Titles at 51, 797 na Certificate of Land Ownership Awards.

Dahil dito ayon kay Sen. Go, mas mainam pa nga na dagdagan ang pondo nito para mas marami pa ang maibibigay nitong serbisyo sa publiko.

SMNI NEWS