Tunnel excavation para sa bypass project sa Davao City, sinimulan na

Tunnel excavation para sa bypass project sa Davao City, sinimulan na

SINIMULAN na ang konstruksyon ng 2.3 kilometer two-tube mountain tunnel bypass project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao City.

Kabilang ang konstruksyon sa 10.7 kilometers contract package i-1 ng Davao City Bypass Construction Project (DCBCP) na ipinatupad ng DPWH Unified Project Management Office (UPMO) operations.

Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang transport logistics at mabawasan ang pagsikip ng trapiko sa syudad.

Upang suportahan ang underground development, ang mga kagamitan na may kasamang horizontal boring machine para sa geotechnical investigation, twin header tunnel excavator at drill jumbo ay ini-deploy sa north at south portal ng bypass project.

Kasama rin sa mga karagdagang kagamitan ang erecter na may shotcrete machine, tunnel ventilation at dust collector, side dump payloader, at articulated dump truck.

Magsisimula naman ang 45.5 kilometer bypass road mula sa Bgry. Sirawan, Toril Davao City hanggang Brgy. J.P Laurel, Panabo City kung saan ang 1:44 minuto na byahe sa pamamagitan ng maharlika highway ay magiging 49:00 na minuto na lamang.

Ang naturang programa ay dinaluhan ni DPWH acting Secretary Roger “Oging” Mercado, Japanese Ambassador to the Philippines Kasuhiko Koshikawa, DPWH Usec. for UPMP operations chief implementer of flagship projects sa ilalim ng build, build, build program Emil K. Sadain, at chief representative ng Japan International Cooperation Agency, Eigo Azukizawa.

Samantala, tinataya namang makukumpleto ang 13.230 billion pesos na proyektong ito sa January taong 2024.

SMNI NEWS