SUSPENDIDO na ang number coding scheme bukas, Oktubre 31 para bigyang-daan ang paggunita ng Undas at long weekend.
Ayon ito sa anunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
At kaugnay sa paggunita ng Undas, maaari nang dumaan ang provincial buses sa EDSA, 24 oras.
Epektibo ito simula Oktubre 29 at magtatagal hanggang sa Nobyembre 4, 2024 ayon sa MMDA.
Dagdag pa nito, ang mga bus na galing sa North Luzon ay maaaring huminto sa mga terminal sa Cubao habang ang mga nagmumula sa south ay hanggang PITX lamang.