OCD, patuloy ang ginagawang assessment sa nangyaring lindol sa Masbate

OCD, patuloy ang ginagawang assessment sa nangyaring lindol sa Masbate

NAGPAPATULOY ang ginagawang assessment ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5 at Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) matapos ang magnitude 6 na lindol sa Masbate.

Ito ang inihayag ni Civil Defense Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro IV.

Ayon kay Alejandro, tanging minor damages lamang ang naitala sa probinsya bagama’t inilikas ang tinatayang 200 pasyente at staff ng Masbate Provincial Hospital para na rin sa kanilang kaligtasan.

Habang sinuspinde ang pasok sa trabaho at paaralan kahapon upang bigyang-daan ang ginagawang assessment ng mga awtoridad.

Sinabi ni Alejandro na nakahanda ang kanilang tanggapan na magbigay ng kinakailangang tulong sa probinsya.

Patuloy din nitong pinag-iingat ang publiko lalo’t nakapagtatala pa ng aftershocks na umabot na sa 39.

Follow SMNI NEWS in Twitter