KAILANGAN nang magkaroon ng repatriation ang overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Taiwan.
Ito ang sinabi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.
Ani Roque, ito ay dahil sobrang mainit na ang isyu sa pagitan ng China at Taiwan na dinagdagan pa ng Pilipinas dahil sa EDCA sites ng Estados Unidos sa bansa.
Matatandaan na inihayag ng Chinese Embassy na dapat hindi na paiinitin pa ng Pilipinas ang tensiyon sa Taiwan sa pamamagitan ng EDCA sites ng Estados Unidos sa bansa para na rin sa kapakanan ng 150 libong OFWs na nasa Taiwan ngayon.