EPEKTIBO na ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa mga kumpanya ng langis simula ngayong araw ng Martes.
Sa abiso ang Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, nasa 40 sentimos ang bawas-singil sa kada litro ng kanilang gasolina.
Nasa P2.15 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang diesel habang P2.10 sa kada litro ng kanilang kerosene.
May kapareho ring price adjustment sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at Petro Gazz.
Pawang epektibo ang oil price rollback ngayong alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel at Caltex na alas 12:01 ng madaling araw naging epektibo.