PUMALO na sa mahigit 73.7 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang Nobyembre 20, 2022.
Ayon sa Department of Health (DOH), 94.38 percent ito ng target population.
Sa bilang ng fully vaccinated, sinabi ng DOH na mahigit 20.86 milyong indibidwal na dito ang nakatanggap ng kanilang booster shots kung saan 106,013 ang naturukan noong Nobyembre 14-20, 2022.
Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng target na A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.