‘On the Road with the Frontrunner’ ng SMNI, isasagawa sa Maguindanao ngayong araw

‘On the Road with the Frontrunner’ ng SMNI, isasagawa sa Maguindanao ngayong araw

GAGANAPIN ngayong araw ang UniTeam campaign rally ni presidential candidate frontrunner Bongbong Marcos kasama ang ilang senatorial bets nito sa Provincial Capitol sa Isulan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ito ay bahagi ng ‘On the Road with the Frontrunner’ ng SMNI kung saan sinusundan, inaalam natin kung ano o paano ba ginagawa ang kampanya ng isang frontrunner ngayong eleksyon.

Ito ang pangalawang beses na susundan ng SMNI ang presidential candidate frontrunner.

Matatandaang, una nang isinagawa ang ‘On the Road with the Frontrunner’ sa Marikina Grand Rally ng UniTeam noong Marso 19, kung saan libu-libong supporters nito ang dumalo.

At mula sa mainit na pagtanggap ng mga tagasuporta nito sa Marikina, inaasahan na magiging mainit din ang pagtanggap ng mga libu-libong Maguindanaons sa UniTeam.

Inaasahan na sasalang si frontrunner Bongbong Marcos sa isang town hall meeting mamaya kung saan makakasalamuha niya ang community leaders at sectoral representatives sa municipalidad ng Sultan Kudarat.

Inaasahan namang makakasama rin ni BBM ang Ilan sa senatorial bets nito at local officials ng Maguindanao.

Sa mga oras nito ay tuloy-tuloy pa rin ang preparasyon para sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong supporters ng UniTeam.

BASAHIN: BBM, ipinaliwanag kung bakit kinokonsidera ang sarili bilang “Optimistic”, “Machiavellian”

Follow SMNI News on Twitter