BBM, ipinaliwanag kung bakit kinokonsidera ang sarili bilang “Optimistic”, “Machiavellian”

BBM, ipinaliwanag kung bakit kinokonsidera ang sarili bilang “Optimistic”, “Machiavellian”

IBINAHAGI ni presidential candidate Bongbong Marcos kung bakit tinuturing nya ang kanyang sarili bilang “optimistic” o “positibo” sa buhay.

Pinaghuhugutan aniya sa kanyang pagiging positibo kung pag-uusapan ang bansa ay ang katangian ng mga Pilipino.

Sambit nito, sa dinami-dami na nyang bansang napuntahan, wala pa siyang nakikitang katangian na mas hihigit pa sa katangiang taglay ng mga Pilipino.

“I’m essentially an optimist and the reason why I’m an optimist, especially when we talk about the country, I am optimistic because our biggest asset is the Filipino people. I try to be very objective about it Ma’am, I have traveled around the world I have not met a better people than the Filipinos in every possible way, every possible way,” ayon kay BBM.

Kinokonsidera naman nito ang kanyang sarili bilang maingat sa pagpapasya para sa bansa sakaling mailuklok sa pwesto bilang pangulo.

Paliwanag nito, kung magpadalos-dalos siya sa magiging desisyon nito ay posibleng magdudulot ito ng malaking epekto para sa publiko.

Samantala, sa tanong kung siya ba ay Machiavellian, sinabi ni Marcos na kinokonsidera niya ang sarili bilang isa.

Bagamat negatibo ang madalas na depinisyon ng salita na ang ibig sabihin ay pagiging tuso lalong-lalo na sa larangan ng politika, ang positibong bersyon naman nito ang binigyang-diin ni Marcos.

Nilinaw niya na ang pagiging positibong Machiavellian ay isang paraan sa pagiging maingat sa lahat ng mga bagay para makamit ang tagumpay.

Importante kasi aniya na dapat naiintindihan ng isang lider ang mga nangyayari sa kanyang nasasakupan.

“Kailangan maging maingat, it’s a way of being careful and very knowledgeable about what other things that have come into play so that you will achieve success, whatever that success, however you define success. So, in that sense ma’am yes I am a Machiavellian,” paliwanag ni BBM.


Follow SMNI NEWS in Twitter