‘One Tree, One Nation’ Tree planting na inisyatiba ni Pastor ACQ, nagbibigay ng maraming benepisyo sa kalikasan at lipunan

‘One Tree, One Nation’ Tree planting na inisyatiba ni Pastor ACQ, nagbibigay ng maraming benepisyo sa kalikasan at lipunan

ALAM mo ba na ang pagtatanim ng mga punong-kahoy ay isang napakahalagang gawain? maraming benepisyo ang maaari nating makuha mula rito.

Subalit nakalulungkot lang dahil unti-unti nang nakakalbo ang ating kagubatan dahil sa paglapastangan ng iilan tulad ng pagsasagawa ng illegal logging, illegal quarrying o illegal mining.

Ang mga puno ay hindi lamang nagdadala ng kagandahan sa ating kapaligiran, kundi nagsisilbing proteksyon din laban sa mga sakuna gaya ng global warming, mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Nagsisilbi rin itong tirahan ng iba’t ibang uri ng hayop.

Sa bawat punong itinatanim natin, tumutulong din tayo sa pagsugpo ng polusyon at pagkakaroon ng mas malusog na kapaligiran.

Ang pagtanim ay mahalaga rin sapagkat isa ito sa mga kinukunan natin ng pagkain, kung kaya’t dapat natin itong pagyamanin.

Lahat ng nabanggit ay pagpapakita ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at isa ito sa mga pangunahing adbokasiya ng senatorial candidate at KOJC leader na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pamamagitan ng Sonshine Philippine Movement o SPM — na kanyang itinatag noong 2005.

Mula pa noon at mapa-hanggang ngayon hindi nagbabago ang napakagandang adhikain at agarang tugon ni Pastor Apollo para pangalagaan ang kalikasan, kung saan isang magandang halimbawa rito ang “Glory Mountain” at ang “Prayer Mountain” ng The Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

At sa pagkakataong ito, isinasagawa ang ‘One tree, One Nation’ nationwide tree planting activity, na inisyatiba ni Pastor Apollo sa ilalim pa rin ng Sonshine Philippines Movement.

At isa sa napiling lugar na pinagdadausan ng naturang aktibidad ang Calatagan, Batangas.

Nasa mahigit isang libong seedlings ng fruit-bearing trees ang itinatanim ng mga volunteer ng SPM sa nasabing lugar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter