Operasyon laban sa mga ilegal na paputok, paiigtingin

Operasyon laban sa mga ilegal na paputok, paiigtingin

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na paputok.

Kabilang dito ang paggawa, pagbebenta, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok ngayong Christmas season.

Ito ay kasunod ng insidente sa Tangub City kung saan 18 katao ang sugatan matapos sumabog ang fireworks display sa grand opening ng Christmas Festival of Lights 2026.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy na iniimbestigahan ng lokal na pulisya ang insidente.

Inatasan na rin ang mga kinakauukulang police units na higpitan ang monitoring at operasyon laban sa mga lumalabag sa fireworks regulations.

Giit ng PNP chief, hindi dapat maisantabi ang kaligtasan ng publiko dahil lamang sa mga tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko.

Follow SMNI NEWS in Twitter