MARIING kinondena ng political strategist na si Prof. Malou Tiquia at tinawag niyang ‘maltreatment’ na ang ginagawa ng ilang ahensiya ng pamahalaan laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang NBI, pinasubpoena ang bise dahil umano sa banta nito sa buhay nina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez.
Sinampahan naman ng Quezon City Police ng kasong assault si VP Sara at ang hepe ng Vice Presidential Security Group na si Col. Raymund Lachica sa isyu ng transfer of detention kay OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.
Sinibak naman lahat ng kasapi ng VPSG at papalitan ng mga bagong pulis at sundalo—lahat hindi dumaan sa approval ng VP.
Crucial sa bise na kilala niya ang lahat ng kasapi ng VPSG dahil ito ang nakatoka sa kaniyang seguridad.
Saad ni Prof. Tiquia, hindi deserve ng ikalawa sa pinakamataas na lider ng Pilipinas ang ganitong pag-trato.
“Si Bise Presidente ay 2nd highest official of the land. Bigyan niyo naman ‘yun ng respeto. Kasi batay doon sa protocol sa admin code, ang 2nd highest of the land pag-ikaw ay nasa room, ang 2nd highest of the land automatically receives the respect and the way they are treating her because she is the 2nd highest,” wika ni Prof. Malou Tiquia, Political Strategist.
Sa panayam sa SMNI Radio, ipinunto ni Tiquia na may karapatan ang VP na magsalita para sa kaniyang kapakanan.
Ipinaalala naman ni Tiquia sa DOJ, NBI, PNP at AFP na mas mataas ang Office of the Vice President sa mga ito batay sa hierarchy of government.
At dapat pantay ang paggalang ng mga nabanggit na ahensiya sa Office of the President.
“Wala bang right ang bise presidente? Ang bise presidente ba ay laruan lamang o statwa na sasabihin ng Pangulo, o dito ka, dito ka mali ang gagawin? Mali yun!” giit ni Tiquia.
Umaasa naman si Tiquia na magkakaroon ng linaw ang mga isyu laban sa bise.
At matatauhan ang mga nabanggit na tanggapan na labis na ang pagtrato nila sa second in command ng Pilipinas.