OVP nagbigay ng panimulang puhunan para kay Ginang Girlie

OVP nagbigay ng panimulang puhunan para kay Ginang Girlie

NAKATANGGAP ng P15K livelihood grant sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) Program si Girlie Ramirez mula sa Talisay City, Negros Occidental nitong Enero 17, 2025.

Si Girlie ay isang ina ng apat na anak, kabilang ang kaniyang bunsong anak na 1 PWD na may congenital anomalies. Ang kaniyang anak ay naoperahan sa tulong ng Medical Assistance Program ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pamamagitan ng OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office, natanggap ni Girlie ang panimulang puhunan para sa kaniyang sari-sari store na malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na kita at sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang bunsong anak.

Ang MTD Program ay isang inisyatibo ng OVP na nagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga Pilipinong nais magsimula ng sariling negosyo, tulad ni Girlie.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble